News

Itaas ang buying price ng tabako, panawagan ng mga magsasaka ng Ilocos

Piket ng mga magsasaka ng tabako. Larawan ni Bastin Adrias/Altermidya
Itaas ang buying price ng tabako, panawagan ng mga magsasaka ng Ilocos

“Araw-araw kaming nagpapagod sa pagtanim ng tabako na nagdadala ng tubo para sa tobacco companies at badyet para sa mga ahensya.”

Ito ang daing ng mga magsasaka mula sa Ilocos sa National Tobacco Administration (NTA). Lumahok sa dayalogo ang mga magsasaka sa ilalim ng Solidarity of Peasants against Exploitation (STOP-Exploitation) at nagprotesta sa NTC para igiit ang makatarungang presyo ng tobacco.

Panawagan nila: itaas ng P128 kada kilo ang pagbili sa tobacco.

“Pasan-pasan namin ang hirap ng pagtatanim, pero bakit kami ang laging lugi?” tanong ni Zaldy Alfiler, tagapagsalita ng STOP-Exploitation.

Si Zaldy Alfiler, secretary-general ng STOP Exploitation. Larawan ni Bastin Adrias

Ayon sa grupo, kapiranggot na nga ang kita ng mga magsasaka ng tabako, bumagsak pa ito nang halos P6,000 noong 2016. Samantala, tumaas ang kita ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation sa P2.59 billion noong 2016, 150% na laki mula noong 2015.

Ang Philip Morris Fortune ang isa sa pinakamalaking kompanya ng tabako sa Pilipinas.  Ayon sa mga magsasaka, patuloy ang paglaki ng market ng sigarilyo sa bansa, pero hindi nararamdaman ng mga magsasaka ang benepisyo ng paglago nito.

Konsultasyon

Sa ginanap na 2017 National Tripartite Consultative Conference sa Quezon City noong Setyembre 7, pinangunahan ng NTC ang pagtalakay sa minimum buying price ng tabako. Dinaluhan ito ng mga magsasaka, pribadong kompanya ng toboacco, at mga trading center.

Nananawagan ang mga magsasaka ng STOP-Exploitation na itaas sa P128 kada kilo ng tabako ang presyo mula sa kasalukuyang presyo na P81 kada kilo. Ayon sa datos ng NTA noong 2012-2015, binili ng mga kompanya ang unprocessed tobacoo sa halagang P161 kada kilo, samantalang ang presyo lang nito sa bansa ay P69 kada kilo.

“Dinadaya kami sa kita ng malalaking kompanya ng tabako,” sabi ni Alfiler. “Inilalagay sa low-grade ang mga produkto namin para mas mura nila itong mabibili.”

Dagdag ni Alfiler, panawagan ng grupo na dapat bilin ang dried tobacoo sa presyong P128 kada kilo na hindi nakatali sa klasipikasyon ng malalaking kompanya ng tabako.

“Ipinaglalaban naming buwagin na ang classification system sa tabako dahil hindi naman sinusunod ng tobacco companies ang klasipikasyon ng NTA,” sabi ng grupo.

 Kanino kampi?

 Hiling din ng grupo sa NTA na irebyu ang mga kontrata ng kompanya at trading centers para masigurong hindi lugi ang mga magsasaka ng tabako.

Gayundin, nais nila na tiyakin ng NTA na ang mga magsasaka ang direktang makikinabang sa lahat ng proyektong pinondohan ng tobacco excise tax. Hinalimbawa ng STOP-Exploitation ang kaso ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na iniimbestigahan ngayon dahil sa paggamit ng P60.4-milyong pondo galing sa excise tax pero hindi naman napakinabangan ng mga magsasaka.

Panawagan din ng grupo na payagan ang mga kinatawan ng farmers’ organizations na makapasok sa trading centers para masiguro ang tamang pagbebenta ng mga tabako. Napagkasunduan na ito sa huling konsultasyon ng tripartite conference noong 2015, ayon sa grupo.

Antonino Pugyao, ang acting chairperson ng STOP Exploitation. Larawan ni Bastin Adrias/Altermidya

Pero ayon kay Antonino Pugyao, ang acting chairperson ng STOP-Exploitation, kahit na tagapagpadaloy lang ang NTA sa konsultasyon, tila kumikiling ang ahensya sa hiling ng pribadong kompanya ng tabako.

“Gusto nila babaan pa ang presyo ng tabako kaysa taasan ito para makinabang ang mga magsasaka,” aniya.

Sa loob ng dalawang araw na konsultasyon, walang malinaw na naabot ang naganap na konsultasyon, ayon sa grupo.  Pero ayon kina Alfiler at Pugyao, malinaw sa kanila na hindi titigil ang mga magsasaka para ipaglaban ang makatarungang presyo at ang mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka ng tabako.

“Malaking bahagi ng paglago ng industriya ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga magsasaka. Dapat ay pinahahalagahan ng pamahalaan ang mga kahiligan namin,” ayon sa grupo.

News

More in News

Paving the way for an alternative newscast

Altermidya.NetNovember 15, 2017

Humanitarian missions in Batangas attempt to probe ‘Marawi-style’ military operations

Southern Tagalog ExposureOctober 1, 2017

Higit 3,000 Moro, Lumad at pambansang minorya patungong Maynila para sa #Lakbayan2017

Bastin AdriasAugust 29, 2017

Sorsogon rights workers: July 28 ‘encounter’ was a massacre

Altermidya.NetAugust 6, 2017

Students, teachers hail passage of free tuition law

Altermidya.NetAugust 4, 2017

Students enraged at retraction of free tuition policy in SUCs 

Altermidya.NetAugust 3, 2017

Fisher folk leader shot dead in Guihulngan City

Altermidya.NetJuly 26, 2017

Women’s groups call for peace amid rising militarism in PH

Altermidya.NetJuly 17, 2017

Libu-libong magsasaka, naghahanda sa pagkilos sa SONA

Altermidya.NetJuly 13, 2017

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Like us on Facebook!

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network