Citizen Voices

Lodi at Petmalung Itim na Nazareno

Pista ng Itim na Nazareno noong 2016. Larawan ni Raymond Panaligan/ Altermidya.
Lodi at Petmalung Itim na Nazareno
Nardy Sabino

Tanging sa araw ng paglipat (translacion) ng Itim na Nazareno lamang nagkakatipon ang milyong milyong Pilipino (na tinatayang aabot ngayong taon ng mahigit 18 Milyon). Sa gitna ng gitgitan, init, gutom at kung ano anong maaaring maramdaman ay milyon milyong deboto ang dadalo para masaksihan ang Itim na Nazareno.

Lodi talaga ang Itim na Nazareno dahil tinalo nito ang pinagmamalaki laging 16 Milyon na boto ni Duterte. Partida pa na wala pang kampanya at mga trolls at presidential fake news department.

Taon-taon kahit may matusok ng bbq/banana-Q at anupang stick o di kaya ay mahulog mula sa bukas na imburnal (dahil ninakaw ang takip na bakal) o mahubuan at lumabas ang pwet ay todo pa rin ang dagsa ng milyong deboto.

Kahit di mo na makita ang lubid na humahatak sa Andas (mula sa salitang andar o sumulong) dahil lahat gustong humawak at humila para sa paglilipat (translacion).

Petmalu talaga ang Itim na Nazareno dahil kahit ilang milyong twalya ang ipunas, di kumukupas. Nag uunahan at naggigitgitan para makalapit at mahawakan.

Pero kapag tinanong mo ang mga deboto kung bakit sila nagsasakripisyo (batay sa kanilang pakiramdam) sasabihin nila ang kanilang malalim na pananampalataya. Paniniwalang nagpapagaling ang Itim na Nazareno at ito ay “miraculous.”

Pista ng Itim na Nazareno noong 2016. Larawan ni Raymond Panaligan/ Altermidya.

Ayon sa ilang nabasa, taong 1606 ng dalhin sa Pilipinas ang Itim na Nazareno mula sa Mexico. Iniukit ng isang Mexicano mula sa itim na kahoy para ipakita ang Jesus na may tangang Krus.

Taong 1606, anim na taon mula ng hatakin ng mananakop na Espanya ang Pilipinas sa kalakalang Galeon na nagpasidhi sa pang aagaw ng lupa ng gobyernong Espanya at mula Encomienda ay itatag ang sistemang Hasyenda.

Sa kaparehong panahon naman sa Mexico ay kontrolado na din ng Espanya at criollos (Espanyol na pinanganak sa Amerika) at mga prayle (mahigit na 900 simbahan at monastery na nakatayo) ang kalupaan ng bayan. Ginamit ang noo’y maunlad na “relief sculpture” para sa mga imahe sa simbahan at pulpito.

Hindi malayong ang Itim na Nazareno na nagpapakita ng pasang krus ni Hesus ay kahalintulad sa hirap na dinadanas noon ng mga taga-Mexico mula sa kamay ng mga mananakop at palalong mangangaral.

Madaling makaugnay sa hirap ni Hesus ang mga Pilipinong noong panahon ng mananakop na Espanya ay sapilitang pinagtatrabaho (polo), pinagbabayad ng tributo (buwis), inaagawan ng lupa at kabuhayan, at inaapi sa sariling bayan.

Sa ating panahon at sa ilalim ng pamahalaang US-Duterte, patuloy na dumadami ang makikihatak ng tali, pupunas ng tuwalya, hahakbangan ang anumang init at panganib makalapit lamang sa Itim na Nazareno. Minsa’y hahawiin ang iba at tutuntungan ang pwedeng madaanan, maakyat lang ang Andas ng Nazareno.

Pista ng Itim na Nazareno noong 2014. Larawan ni Raymond Panaligan/ Altermidya.

Milagro ng kaligtasan mula sa kahirapan, sakit, kagutuman, kawalang hanapbuhay, kawalan at mga kakulangan ang mga panalangin. Mga bagay na pinagkait sa mahabang panahon ng mga naghari-harian at nagdiyos diyosan sa ating bayan at daigdig.

Saan nga ba patutungo ang Andas? Tulad lang din ba ng kalakalang Galleon o mula Intramuros ang paglipat ang taong taong Translacion? Nasaan ang himala?

Magpapatuloy ang Andas at Translacion ng Itim na Nazareno sa parehong pinagmulan at patutunguhan (kahalintulad ng sinakop na Mexico at Pilipinas) lalot nakakulong ang deboto sa mga pansariling direksyon na malayo sa dahilan ng pagtangan ni Hesus ng krus para sa kaligtasan ng lahat at di lang sarili. Natagpuan na natin ang biyayang himala at ito ay nasa ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos para gawin ang kaligtasan mula sa mga mapagsamantala at mapang-api.

Nardy Sabino is the secretary-general of Promotion of Church People’s Response and coordinator of Rise Up for Life and Rights.

Click to add a comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

Citizen Voices

More in Citizen Voices

Mine workers: Of broken promises to end ENDO

ContributionAugust 11, 2017

MARBAI farmers: Their reality, our realizations

ContributionMay 15, 2017

Gapas ng Paghihirap

Wilgin SorianoApril 28, 2016

Why are fishers among the poorest of the poor?: A challenge to candidates

Jam PinpinMarch 22, 2016

#PiliPinas2016 debates: Unsatisfactory

Abril Layad AyrosoMarch 16, 2016

What ‘mercy and compassion’ for the poor means to me

Abril Layad AyrosoJanuary 30, 2016

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Like us on Facebook!

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network