News

Mga magsasaka ng Ilocos, umalma sa anomalya sa tobacco excise tax

Taniman ng tabako sa rehiyon ng Ilocos. (Larawan mula sa tabako.ph)
Mga magsasaka ng Ilocos, umalma sa anomalya sa tobacco excise tax
Bastin Adrias

Umalma ang mga magsasaka ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (STOP Exploitation) at Alyansa dagti Mannalon ti Ilocos Norte (Peasant Alliance in Ilocos Norte or AMIN) sa maanomalyang paggmit ng mahigit P66 milyong halaga ng tobacco excise tax na kinasasangkutan ng pamunuan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

“Hinihikayat namin ang mga empleyadong kasalukuyang inaakusahan ng Kamara de Representantes ng contempt na isiwalat na ang lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa katiwalian sa paggamit ng excise tax imbes na ipagkait ang mga mahahalagang impormasyon at umaktong mga scapegoat ni Gobernadora Marcos. Ang pagsiwalat ng impormasyon sa mga transaksyon ay kanilang obligasyon sa mga magsasaka at sa taumbayan ng Ilocos,” ayon sa pahayag ng dalawang grupo.

Nakasaad sa Republic Act 7171 na ang 15% na buwis mula sa kita ng mga probinsyang nagpoprodyus ng Virginia tobacco ay dapat mapunta sa mga proyektong magpapabuti sa kabuhayan ng mga magsasaka ng tabako.

Nagsimula ang imbestigasyon ng Kamara sa tobacco excise tax nang ilabas ni Cong. Rudy Fariñas ng First District ng Ilocos ang mga papeles na diumano’y nagpapakita sa maanomalyang pagbili ng mga sasakyan mula sa tobacco excise tax. Kabilang dito ang:

  • P18,600,000 noong December 1, 2011 para sa 40 mini-cabs na binigay sa mga barangay;
  • P15,300,000 noong May 25, 2012 para sa limang bus; at
  • P32,550,000 noong September 12, 2012 para sa 70 Foton mini-trucks ng mga munisipalidad.

Pinatawag sa Kamara ang anim na opisyales ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na may kaugnayan sa nasabing transaksyon. Ngunit kinasuhan sila ng contempt, o ang mulat na hindi pagsiwalat sa lahat ng nalalaman tungkol sa isyu, nang hindi nila masagot nang maayos ang mga tanong ni Congressman Fariñas. Sa kasalukuyan, detenido pa rin sila sa Kamara.

Ayon kay Zaldy Alfier, secretary general ng STOP Exploitation, walang pagbanggit sa RA 7171 na maaaring gamitin ang excise tax sa pagbili ng mga sasakyan.

“Kung titingnan natin yung implementing rules and regulations niya, supposed to be, ang pwede lang paggamitan mula doon sa excise tax ng tobacco at sa tinatawag natin na RA 7171, una diyan ay ‘yung cooperative, livelihood ng farmers, tapos ‘yung farm-to-market roads,” aniya sa panayam ng Altermidya.

Dagdag pa niya, kahit na mayroong mga ganitong klaseng sasakyan, hindi rin ang mga magsasaka ang nakakagamit nito, bagkus ang mga lokal opisyal ng gobyerno.

Nais ng mga taga-suporta ni Ilocos Norte Governor Marcos na ipawalang-saysay ang imbestigasyon ng Kamara dahil namumulitika lamang umano si Fariñas, na kaaway sa pulitika ng pamilyang Marcos.

Ngunit ayon kay Alfier, “Hindi dapat tinitingnan ang isyu na ito na pamumulitika dahil ang paggamit mismo ng pondo para sa RA 7171 ay halatang maanomalya at ilegal. Malinaw na nakakakuha at binubulsa ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno ang pera ng taumbayan at ipinagkakaila sa mga magsasaka ang kanilang karapatan sa buwis.”

Matagal na panahon nang nakikibaka ang mga magsasaka ng tabako para sa tamang paggamit ng buwis na ito para sa kanilang pamumuhay. Kaya ayon sa mga grupo, sana totoong ipamahagi ang buwis sa kanila sa pamamagitan ng mga serbisyo para sa mga magsasaka.

“Dapat managot ang lahat ng mga responsableng tao na gumamit sa maling paraan sa pondo ng RA 7171. Dapat ang pondo ng RA 7171, direktang napupunta sa magsasaka, dahil ito ay dugo at pawis namin,” sabi ni Alfier.

News

More in News

Women’s groups call for peace amid rising militarism in PH

Altermidya.NetJuly 17, 2017

Libu-libong magsasaka, naghahanda sa pagkilos sa SONA

Altermidya.NetJuly 13, 2017

Soldiers burn down house, kidnap four children in Negros –Report

Altermidya.NetJuly 10, 2017

Backed by police, private security guards fire at protesting Batangas fisherfolk

Altermidya.NetJuly 7, 2017

3 MMFF members quit over ‘too much emphasis on commerce over art’

Azlie Ann VillahermosaJuly 5, 2017

Fight continues ‘as long as martial law prevails,’ petitioners say

Altermidya.NetJuly 5, 2017

Bakwit sa Mindanao: ‘Itigil na ang air strikes, ihinto ang Martial Law’

Azlie Ann VillahermosaJune 23, 2017

Mindanao-wide military ops under Martial Law disrupt peace talks

Altermidya.NetMay 28, 2017

Maranaos to AFP: ‘Don’t burn our city, stop air strikes’

Altermidya.NetMay 27, 2017

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Subscribe to get the latest updates!

Like us on Facebook!

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network