Features

PAKI-EXPLAIN: Pagsibak ng CA kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo

DSWD Sec. Judy Taguiwalo, tinanggal sa puwesto ng Commission on Appointments. Larawan mula sa DSWD.
PAKI-EXPLAIN: Pagsibak ng CA kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo

Ngayong araw, ibinasura ng Commission on Appointments (CA) sa bisa ng 13 boto ang appointment ni Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo.

Si Taguiwalo ang ikatlong opisyal ng gabinete na ni-reject ng CA, kasunod ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Kasama si Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, si Taguiwalo ang isa sa dalawang progresibong cabinet secretary na itinalaga ni Pang. Rodrigo Duterte, sa nominasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa desisyon ng CA, tuluyan nang mawawala sa puwesto si Taguiwalo, sa kabila ng malawak na suporta mula sa mga mamamayan, na gumamit ng panawagang #ConfirmJudy.

Sinu-sino ang mga bumoto laban sa kumpirmasyon ni Taguiwalo?

Inanunsiyo ni Davao Oriental Rep. Joel Almario na naabot nila ang 13 boto na kailangan para i-reject ang appointment ng DSWD secretary. May 13 senador at 11 na kongresistang miyembro ang makapangyarihang CA.

Marso ngayong taon lamang binago ang rules ng CA. Binigyan ito ng kapangyarihan na sibakin sa puwesto ang isang appointee, kapag tatlong beses na hindi kinumpirma. Ginamit nila ang kapangyarihang ito laban kay Lopez, na binangga ang malalaking kumpanya ng pagmimina.

Sikreto ang botohan sa CA. May mga kumukuwestiyon sa ganitong sistema, dahil ibig sabihin, walang transparency sa pagdesisyon ang CA:

Sa pagdinig ng CA, nagpahayag ng suporta para kay Taguiwalo sina senador Ralph Recto, Miguel Zubiri, Sonny Angara, at Francis Pangilinan. Ayon pa kay Recto:

“She represents all of us, all our dreams, all our aspirations for our nation, our people and our children. She personifies that elusive political ideal: that persons of different persuasions can come together for the common good. If she’s an ideologue, then that ideology she subscribes to is the same one we believe in. And that ideology is to serve the people.”

Napuna ni Taguiwalo sa press conference matapos ang pagdinig na walang tumindig para sa kanya na “kahit isa” mula sa House of Representatives. Aniya, ito’y dahil nilabanan niya ang pagpapatuloy ng pork barrel system. Sa budget hearings noong nakaraang taon, nilabanan ni Taguiwalo ang mga kongresista na nais isama sa badyet ng DSWD ang kanilang pork barrel.

Narito ang mga miyembro ng CA na walang manifestation of support para kay Taguiwalo:

Ano nga ba ang dahilan ng pagkaka-reject ng CA kay Taguiwalo?

Hindi obligadong magpaliwanag ang CA hinggil sa kanilang desisyon. Kaya nga hiling ni Taguiwalo, sana ay magpaliwanag ang CA para hindi nauuwi sa conjecture o hinala ang kanilang mga dahilan.

Ayon lang kay Rep. Almario, may mga “kuwestiyon” hinggil sa involvement ni Taguiwalo sa kilusang underground noong kabataan niya. Kilalang lider-aktibista ang kalihim. Ngunit hindi lang iyon ang kwalipikasyon niya.

Mga kwalipikasyon ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo

Hinala ni Taguiwalo at kanyang mga tagasuporta, malaking dahilan ang kanyang pagharang sa pondo para sa pork barrel ng mga mambabatas sa ilalim ng ahensiya, sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer (CCT) Program.

Inilabas ni Taguiwalo ang Memorandum No. 9 na naglinaw sa departamento na hindi kailangan ng referral mula sa mga kongresista ng sinumang nais makakuha ng tulong mula sa DSWD. “Sinikap nating ayusin ang nakikitang mali sa sistema ng DSWD,” ayon kay Taguiwalo.

Iginiit niya na dapat mga social worker, at hindi mga kongresista na may pansariling adyenda, ang nagtutukoy ng mga dapat na benepisyaryo ng CCT.

Sa pagdinig ng CA, kinuwestiyon si Taguiwalo sa kanyang pagtingin sa CCT at sa Tax Reform Package ng administrasyong Duterte.

Bagaman ipinatutupad ang pamamahagi ng CCT bilang programa ng gobyerno, naninindigan si Taguiwalo na hindi ito ang solusyon sa kahirapan, at na nagiging balon ito ng korupsiyon. Katunayan, sinimulan na ni Taguiwalo ang pag-imbestiga sa P6-Bilyong “unliquidated” na pondo ng CCT noong nakaarang administrasyon.

Hindi rin itinago ni Taguiwalo ang kanyang pagtingin na malaki ang epekto sa mahihirap ng Tax Reform Package dahil sa pagtaas ng Value-Added Tax. Una-una umanong maaapektuhan ang mahihirap na benepisyaryo ng DSWD.

Sa press conference matapos siyang sibakin ng CA, sinabi rin ni Taguiwalo na ayaw siya ng mga militarista sa gobyerno, dahil isinusulong niya ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP.

Ano ang reaksiyon ng publiko?

Sa kalakhan, galit at pagkadismaya:

Mayroon ding mga nagpasalamat kay Taguiwalo:

Ito naman ang pahayag ng iba’t ibang organisasyon:

“Sec Judy’s removal is a victory for the corrupt bureaucracy, neoliberals in the regime, and the de facto military junta and their US masters” ~Kabataan Party-list

“Our representatives really are disgusting pigs! They want to continue their wanton hoarding of millions of millions of people’s money for their insatiable greed! In rejecting Judy Taguiwalo as DSWD chief, CA effectively rejects Judy’s ‘tapang and malasakit’ initiatives against pork and inefficiency in DSWD, affirming brazen corruption and patronage politics.” ~Nnara-Youth

“Truth to tell, Duterte holds a supermajority in Congress and Senate and could if he so wishes easily push for the confirmation of Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo and Agrarian Reform Secretary Ka Paeng Mariano. Duterte’s non-existent support for them only shows that he is not interested in genuine reforms.” ~Anakbayan

Sino ang papalit kay Taguiwalo?

Wala pang inaanunsiyo ang Malakanyang.

Naglathala ang Rappler ng istorya na papalitan si Taguiwalo ni Monica Louise “Nikki” Prieto-Teodoro, asawa ni Gilbert Teodoro. Nakipagpulong nang one-on-one ang dating defense secretary kay Duterte ngayong umaga, isang araw matapos magbigay ng donation si Prieto-Teodoro sa Armed Forces of the Philippines, ayon sa ulat ng GMA:

Binawi ng Rappler ang istorya nito hinggil kay Prieto-Teodoro bilang pamalit kay Taguiwalo, dahil kailangan pa umano itong i-verify.

Ano na ang mangyayari kay Taguiwalo?

Sinabi ni Taguiwalo na patuloy ang kanyang pagseserbisyo, kahit wala na sa DSWD. Paglabas ng Senado, inalayan siya ng kanta ng mga batang Lumad:

Nangako ang tinanggal na kalihim na gagawin pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya para pagsilbihan ang mahihirap at inaapi:

More in Features

Bakit may Kampuhan ng mga Moro at Katutubo sa UP campus?

Altermidya.NetSeptember 12, 2017

#ConfirmKaPaeng: Huling tulak para sa kalihim na maka-magsasaka

Bastin AdriasAugust 26, 2017

Mine workers: Of broken promises to end ENDO

ContributionAugust 11, 2017

Lider ng La Tondeña strike, pumanaw na ‘bayani ng manggagawa’

Bastin AdriasAugust 8, 2017

‘Beloved sons’ of Sta Cruz: Thousands flock plaza to honor NPA fighters

Altermidya.NetAugust 7, 2017

#SONA2017 | 10 Tampok na Ginawa ni Duterte

Altermidya.NetJuly 24, 2017

#SONA2017 | Top 10 Accomplishment ng Taumbayan

Altermidya.NetJuly 24, 2017

‘Kalabaw lang ang tumatanda’: Pakikibaka ni Ka Paeng sa DAR

Ilang-Ilang QuijanoJuly 21, 2017

PAKI-EXPLAIN: ‘ISIS’ sa Pilipinas? (Part 2)

Altermidya.NetJune 25, 2017

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Like us on Facebook!

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network