Media Issues

Katotohanan sa panahon ng ‘fake news’

Beteranong mamamahayag na si Inday Espina-Varona sa talakayan ng AlterMidya Network. Larawan ni Micah Magaro.
Katotohanan sa panahon ng ‘fake news’
Bastin Adrias

Noong Agosto 10, naglunsad ng talakayan ang AlterMidya Network hinggil sa Truth Telling Through Alternative Media sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila.

Sa pakikipagtulungan ng PUP Center for Language and Literary Studies, idinaos ang film screening at talakayan bilang pagdiriwang sa ika-15 taon ng alternatibong pahayagang Pinoy Weekly.

Ipinalabas ang dokumentaryong Truth Tellers ni Ilang-Ilang Quijano, associate editor ng Altermidya, hinggil sa buhay ng beteranong mamamahayag na si Inday Espina-Varona at Kimberlie Quitasol ng Northern Dispatch Weekly, isang community newspaper sa Cordillera.

Sa dokumentaryo, ipinakita ang halaga ng mga alternatibong mamamahayag sa pagsisiwalat ng katotohanan sa mga komunidad, halimbawa, ng mga sakada sa Negros Occidental, probinsyang pinagmulan ni Espina-Varona.

Ibinahagi ni Espina-Varona ang kanyang karanasan sa censorship sa midya, mula noong diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyan. Aniya, wala namang pagbabago sa sitwasyon ng censorship sa media—mas nagiging tahasan lamang ito kapag nasasailalim sa deklarasyon ng Batas Militar. Umano’y kapag nagiging kritikal ang mga mamamahayag sa gobyerno at sa mga patakarang pinapatupad nito, madali silang paratangang “kaaway” ng estado. Ang paratang na ito ang umano’y sanhi ng “chilling effect” sa mga mamamahayag—at sa ibang pang mga mamamayan.

Look at what, 10,000 deaths? They’re (deemed) bad (people) without really going to trial. They’re bad without anybody enjoying due process that is in the Constitution. They’re bad, they’re dead, that’s it. ‘Yun ang mensahe ng gobyerno ngayon, and that casts a chilling effect sa mga tao,” sabi ni Espina-Varona.

Pinuna niya ang umano’y “language of violence” na ginagamit ng gobyerno at mga tagasuporta nito. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan noong gobyerno ni dating pangulong Corazon Aquino, kung saan nakita niya ang kanyang pangalan sa listahan ng militar ng mga tinatagurian nilang “enemy of the state” sa isang press conference na kanyang kinokober.

“Para sa militar, kapag nag-quo-quote kami ng mga tinatawag nilang subersibo, malamang subersibo din kami. But that’s not what journalists do. Ang journalist, hindi pwede mag bulag-bulagan just because the military says ‘It’s a terrorist,’” sabi ni Espina-Varona.

Tanong ng isang estudyante sa PUP: Paano malalabanan ang “fake news”? Larawan ni Micah Magaro.

Ngunit aniya, hindi maaaring matakot ang mga mamamahayag sa mga nangyayari sa lipunan, bagkus dapat pang mas tumatag ang kanilang mga loob.

Maraming kabataang estudyante ang naging interesadong malaman kung paano lalabanan ang “fake news.”

Ayon kay Quijano, matagal nang umiiral ang fake news sa pamamagitan ng iba’t ibang porma ng panlilinlang ng gobyerno sa mga mamamayan nito. Lalo lamang lumaganap ito dahil ginagamit ang social media ng iba’t ibang dominanteng puwersa na nagtutulak ng pansariling adyenda.

Ayon naman kay Espina-Varona, ang kritikal na pag-iisip ang unang panlaban sa fake news. Hinikayat din niya ang mga kabataan na itaguyod ang citizen journalism upang makatulong sa pagsisiwalat ng katotohanan.

“Pag hindi kayo kumilos at ipaalam kung ano ang nangyayari sa komunidad niyo, mahihirapan kami tumutok kahit gaano kayaman o kalaki ang isang media institution. We need you to show us the truth we may have missed; and that is something you should never get tired of doing. Right now, where social media is a toxic brew of people cursing and people threatening anybody who they think is a threat to their patron saint, the only guarantee that democracy will continue in this country is young people like you,” aniya.

 

Media Issues

More in Media Issues

Clear and Present Danger

Luis V. TeodoroSeptember 22, 2017

Changes In Media Ownership During A Troubling Regime

Luis V. TeodoroAugust 9, 2017

On the harassment of a Tudla video journalist by military officials in Iligan City

Tudla ProductionsJune 18, 2017

Reinventing Mocha Uson 

Luis V. TeodoroMay 18, 2017

Journalism and General Education

Luis V. TeodoroMarch 25, 2017

Filmfest organizer’s conviction a blow to freedom of expression in Southeast Asia

Altermidya.NetMarch 3, 2017

Death penalty bill: Self-defeating and discriminatory

Luis V. TeodoroFebruary 16, 2017

The alternative media in the time of Duterte

Luis V. TeodoroJanuary 3, 2017

Advocacy and Ethics: the Necessary Connection

Luis V. TeodoroOctober 16, 2016

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Like us on Facebook!

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network